LLL 6 Si HESUS, Ang Tagapagturo

LLL 6 Si HESUS, Ang Tagapagturo

Esquema: From Matthew and Mark. 24 sections. It has a picture book to go along with the recording.

Número de guión: 423

Lugar: Tagalog

Tema: Sin and Satan (Deliverance, Light/Darkness, Sin, disobedience); Christ (Son of God, Life of Christ, Authority, Jesus, Our Shepherd); Eternal life (Salvation, Broad & Narrow Ways); Character of God (Grace and Mercy, Nature, character of God, Word of God (the Bible), Power of God / Jesus); Living as a Christian (Prayer, petition, Obedience, Forgiveness, Faith, trust, believe in Jesus, Children of God, Assurance, Spiritual Life, Christian values); Bible timeline (End Time, Second Coming, Gospel, Good News); Problems (Evil Spirits, demons, Sickness, Problems, troubles, worries)

Audiencia: General

Propósito: Teaching

Features: Monolog; Bible Stories; Paraphrase Scripture

Estado: Approved

Los guiones son pautas básicas para la traducción y grabación a otros idiomas. Deben adaptarse según sea necesario para que sean comprendidas y relevantes para cada cultura e idioma diferentes. Algunos términos y conceptos utilizados pueden necesitar más explicación o incluso ser reemplazados o omitidos por completo.

Guión de texto

Panimula

Panimula

Magandang Araw. Halika at ating kilalanin ang pinaka dakilang tagapagturo. Ang pangalan niya ay Hesus. Tingnan ang larawan na nasa asul na aklat. At ilipat sa susunod na pahina kapag narinig ninyo ang tunog na ganito. (Music)

Unang Larawan: Si Hesus ay Nagturo sa Mga Tao

Unang Larawan: Si Hesus ay Nagturo sa Mga Tao

Mateo 5

Sa Larawang ito, si Hesus ay nagtuturo sa mga tao ng tungkol sa Diyos. Si Hesus ay nagmula sa Diyos sapagkat Siya ang nag iisang Anak ng Diyos, alam Niya ang lahat ng patungkol sa Diyos. Nilikha ng Diyos ang lahat ng tao dahil Siya ang nag-iisang tunay na Diyos. Siya ay banal ngunit nabigo ang mga tao na mabigyan ng nararapat na kaluwalhatian ang Diyos, ang kanilang kaisipan at mga ginagawa ay hindi mabubuti. Sila ay nahiwalay sa Diyos, Kaya isinugo ng Diyos si Hesus upang lubusang makilala ng tao ang Diyos. Si Hesus ay naparito upang mapanumbalik niya ang magandang relasyon ng Diyos sa tao, at ng tao sa Diyos. Mapapakinggan ninyo ngayon ang mga itinuro ni Hesus sa mga tao noong siya ay nanirahan sa mundong ito, upang magkaroon tayo ng mas malalim na pagkakilala tungkol sa nag iisang tunay at buhay na Diyos.

Ikalawang Larawan. Ang Dalawang Bahay

Ikalawang Larawan. Ang Dalawang Bahay

Mateo 7:24-27

Sa larawan ito Si Hesus ay nagtuturo tungkol sa dalawang lalaki. At sinabi Niya, “Kung sino man ang nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato. Umulan ng malakas, bumaha at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo sa bato. At kung sino man ang nakikinig ngunit hindi naman nagsasagawa ng mga ito ay maitutulad naman sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan. Umulan ng malakas, bumaha at binayo ng malakas na hangin ang bahay, ito ay bumagsak at lubusang nawasak. Dapat ang ating buhay ay nakatayo rin sa isang matibay na pundasyon. Si Hesus ang ating matibay na pundasyon. Kailangan nating sumunod sa kanyang mga katuruan. Kung tayo ay susunod, tutulungan Niya tayong mapagtagumpayan si satanas at ang lahat ng kanyang masasamang espiritu, maging ang mga masasamang kaisipan at gawi sa ating mga buhay. Si Hesus ang ating magiging lakas at gagabay sa ating buhay kahit sa panahon ng kaguluhan. (Music).

Ikatlong Larawan. Ang ilaw ay dapat makita

Ikatlong Larawan. Ang ilaw ay dapat makita

Mateo 5:14-16

Makikita natin sa larawan ang mga kalalakihan na may hawak na ilawan. Ano ang gagawin mo sa ilaw kung madilim? Hawak ng isang lalaki ang kanyang ilawan, itinaas niya ito upang maliwanagan ang mga taong nasa loob ng tahanan. Ang isa naman ay itinago ang kanyang ilawan sa loob ng sisidlan. Si Hesus ang ilaw ng sanlibutan at ipinakita Niya sa atin ang daan patungo sa Diyos. Siya ay naparito upang tayo ay palayain sa kaharian ng kadiliman tungo sa kaharian ng liwanag. Kung tayo ay magtitiwala sa Kanya, tatanggapin at isasapamuhay natin ang Kanyang mga turo. Makikita ng mga tao ang liwanag ni Hesus sa ating buhay. Sinabi ni Hesus, “Pagliwanagin ninyo ang iyong mga ilaw sa harap ng mga tao, upang makita nila ang iyong mabubuting gawa at mabigyan ng karangalan ang inyong Ama na nasa langit. (Music)

Ika-Apat na Larawan. Sinaktan ng Romano ang Isang Hudyo

Ika-Apat na Larawan. Sinaktan ng Romano ang Isang Hudyo

Mateo 5:38-42; Roma 12:19

Nang nanirahan si Hesus sa lupain ng mga hudyo, ang mga dayuhang Romano ang namuno sa kanila. Madalas na hindi maganda ang pakikitungo ng mga sundalong Romano sa mga Hudyo. Makikita natin sa larawan na kinuha ng sundalong romano ang balabal ng lalaki. Ano ang dapat gawin ng lalaki? Sinabi ni Hesus sa mga tao, “Huwag kayong gumanti sa masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa. Kung ang iba naman ay maghain ng sakdal laban sayo upang makuha ang iyong damit, ibigay mo ito sa kanya pati ang iyong balabal.” Huwag mong gantihan ang mga taong gumawa sayo ng masama. Sapagkat sinabi ni Hesus, “Akin ang paghihiganti; Ako ang gaganti ” paparusahan ng Diyos ang mga taong patuloy na gumagawa ng masama. Ang parusang ito ay darating sa buhay nila sa panahong ito o pagkatapos ng kamatayan. Tinuturuan tayo ng Diyos na gantihan ng kabutihan ang mga gumagawa sa atin ng masama. Nais Niya na gumawa tayo ng mabuti sa ating mga kaaway. Patawarin at pagpalain natin ang mga sumusumpa sa atin. (Music)

Ika-Limang Larawan. Ang Pananalangin sa Diyos

Ika-Limang Larawan. Ang Pananalangin sa Diyos

Mateo 6:5-15

Sa larawang ito makikita natin ang dalawang lalaki na nananalangin. Ang isa ay nakatayo sa lansangan, nananalangin ng mahaba at pauulit-ulit. Nais niyang siya ay makita ng mga tao at bigyan ng papuri. Sinabi ni Hesus, “Kung mananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagkunwari, gusto nilang ipakita sa tao na sila ay nananalangin. Katotohanan ang sinasabi ko sa inyo, tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.” sinabi pa ni Hesus, “Ngunit kung mananalangin kayo, pumasok kayo sa inyong silid at isara ang inyong pinto at manalangin sa iyong Ama ng lihim. Siya na nakakakita ng lahat ang magpapala sa iyo. At sa inyong pananalangin, huwag kayong gumamit ng maraming salitang walang kabuluhan, tulad ng ginagawa ng mga pagano. Ang akala nila’y pakikinggan sila ng Diyos dahil sa mahaba at paulit-ulit nilang sinasabi. Huwag kayong maging katulad nila, sapagkat alam ng inyong Amang nasa langit ang inyong pangangailangan bago pa kayo humingi sa Kanya. Ganito dapat kayo manalangin. ‘Ama naming nasa langit, turuan mo kaming mabigyan ng karangalan ang Inyong pangalan. Dumating nawa sa amin ang Iyong kaharian, masunod nawa namin ang Iyong kalooban, dito sa lupa tulad ng sa langit. Bigyan mo po kami ng aming pagkain sa araw-araw. Patawarin mo po kami sa aming mga kasalanan, tulad na pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. Ilayo mo kami sa mga tukso, at iligtas mo kami sa gawa ng masasama. (Music)

Ika-Anim na Larawan. Ang Masama ay Nagtatanim ng Masamang Damo

Ika-Anim na Larawan. Ang Masama ay Nagtatanim ng Masamang Damo

Mateo 13:24-30, 36-43

Ang ilang masasamang lalaki ay nagtungo at nagtanim ng mga damo sa isang bagong tanim na bukid. Ang mga kalalakihang ito’y kaaway ng may-ari ng lupa. Ang mga damo ay katulad din ng magagandang pananim. Hindi maalis ng may-ari ng lupa ang mga damo dahil masisira din niya ang mabubuting pananim. Naghintay na lamang siya hanggang sa panahon ng pag-aani. At sinabihan niya ang mga tagapag-ani na ihiwalay ang mabubuting ani at itapon naman sa apoy ang mga damo. Ang Diyos ay katulad ng may-ari ng lupa, at si Satanas naman ay katulad ng masasamang lalaki. Si Satanas ay naglagay ng masasamang tao sa mamamayan ng Diyos dito sa mundo. Kapag dumating na ang tamang panahon, si Hesus ay muling babalik. Ihihiwalay Niya ang masasama sa mga pinili ng Diyos na nagbibigay karangalan sa Kanya. Isasama ni Hesus ang lahat ng naniniwala at nagtitiwala sa Kanya upang makapiling Niya magpakailanman. Ngunit sa mga hindi mananampalataya kay Hesus ay itatapon sa dagat-dagatang apoy, kung saan parurusahan sila ng Diyos.

Ika-Pitong Larawan. Si Hesus at ang mga Bata

Ika-Pitong Larawan. Si Hesus at ang mga Bata

Mateo 18:1-6, 19:13-15

Isang araw may mga taong nagdala ng mga bata kay Hesus. Ninais nilang pagpalain at ipanalangin ni Hesus ang mga bata. Ngunit sinubukang itaboy ng mga alagad ni Hesus ang mga bata. Hindi nasiyahan si Hesus sa kanilang ginawa at sinabi Niya, “Hayaan ninyong lumapit ang mga bata sa akin. Huwag ninyo silang pagbawalan, sapagkat sa mga katulad nila nakalaan ang kaharian ng langit.” Sinabi din ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan. Maliban na kayo ay magbago at maging katulad ng mga batang ito, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng Diyos. Ang sino mang nagpapakumbaba ng tulad sa mga batang ito ay siyang pinaka dakila sa kaharian ng Diyos. Ang sino mang nagmamataas at nag-iisip na mas mahalaga siya kaysa sa iba ay hindi totoong taga-sunod ni Hesus. (Music)

Ika-walong larawan. Ang Pastol at ang Tupa

Ika-walong larawan. Ang Pastol at ang Tupa

Mateo 18:12-14; Juan 10:14

Isang araw tinuruan ni Hesus ang kanyang mga alagad at kanyang sinabi. “Mag-ingat kayo, huwag ninyong hamakin ang mga maliliit na ito.” Ang tinutukoy ni Hesus ay ang mga batang kasama nila. At sinabi pa Niya, “Kung ang isang tao ay nagmamay-ari ng isang daang tupa, at ang isa sa kanila ay nagpagala-gala at nawala. Hindi ba niya iiwan ang siyamnapu’t siyam sa burol upang hanapin ang isang nawawala? At kapag ito’y kanyang natagpuan, higit siyang matutuwa kaysa sa siyamnapu’t siyam na hindi nawala. Gayundin naman, hindi kalooban ng inyong Amang nasa langit na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak. Ayaw ni Hesus na mawala ang sino mang tao. Nilikha ng Diyos ang lahat ng tao sa mundo. At sila ay pag-aari ng Diyos. Kung sinuman ang sumusunod kay Satanas, siya ay katulad ng tupang naligaw at nawala. Sinabi ni Hesus, “Ako ang mabuting Pastol; kilala ko ang aking mga tupa at ako ay kilala nila.” Si Hesus ay tinatawag na mabuting Pastol sapagkat Siya ay dumating, upang hanapin at iligtas ang mga nawala sa Diyos. Si Hesus ay patuloy na naghahanap at nagliligtas ng mga nawawala. (Music)

Ika-Siyam na Larawan. Ang Hindi mapagpatawad na Alipin

Ika-Siyam na Larawan. Ang Hindi mapagpatawad na Alipin

Mateo 18:21-35

Isang alipin ang minsan ay nagkautang sa kanyang hari ng malaking halaga, ngunit hindi niya ito mabayaran. Kaya’t inutusan ng Hari na ipagbili siya at ang kanyang pamilya upang maging alipin. Ngunit nagmakaawa ang alipin sa hari na bigyan pa siya ng panahon upang mabayaran niya ang kanyang pagkakautang. Naawa naman ang hari sa alipin, at pinatawad siya sa lahat ng kanyang pagkakautang at siya ay pinalaya. Pagkaalis niya ay nakita niya ang kapwa alipin na may maliit na utang sa kanya na hindi pa nababayaran. Agad niya itong sinakal at pinagbabayad ng utang. Dahil hindi kaagad makapagbayad ang kapwa alipin ipinakulong niya ito hanggang sa makapagbayad. Ipinarating sa hari ng ibang mga lingkod ang buong-pangyayari, nagalit ang hari at nagsabi, “Masamang alipin! Pinatawad kita sa iyong pagkakautang sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Hindi ba’t dapat mahabag ka rin sa kapwa mo alipin tulad ng ginawa ko sayo?” Kaya ipinakulong ng Hari ang masamang alipin hanggang sa makapagbayad ito ng kanyang utang. Pinatawad tayo ng Diyos sa lahat ng ating mga kasalanan. Kaya kailangan din natin patawarin ang mga nagkasala sa atin. (Music)

Ika-Sampung Larawan. Ang mga Manggagawang nakatanggap ng kanilang Bayad

Ika-Sampung Larawan. Ang mga Manggagawang nakatanggap ng kanilang Bayad

Mateo 20:1-16

Lumabas ang may-ari ng lupa upang maghanap ng mga magtatrabaho sa kanyang ubasan. Nakipagkasundo siyang magbabayad sa kanila ng isang salapi para sa isang buong araw na pagtatrabaho. Pagkatapos ng isang buong araw ay pumunta ang mga manggagawa upang kunin ang kanilang bayad. Ang unang tao na nakatanggap ng bayad ay ang huling kinuha para magtrabaho. Kakaunti lamang ang kanyang nagawa. Ngunit mabait ang may-ari ng lupa, binigyan niya ang manggagawa ng isang salapi, bayad iyon para sa isang buong araw na trabaho. Ang sumunod naman ay ang nagtrabaho ng kalahating araw at ang isa naman ay nagtrabaho ng isang buong araw. Ngunit ang lahat ng mga manggagawa ay tumanggap ng magkakaparehong bayad. Ang lalaking nagtrabaho ng buong araw ay hindi nasiyahan, nais niyang dagdagan ng may-ari ang kanyang bayad. Ngunit sinabi ng may-ari ng lupa, “Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t sumang-ayon ka na magtrabaho buong araw para sa isang salapi? Kunin mo na iyong bayad at ikaw ay umalis. Nais kong bigyan ang lalaking huling tinawag para magtrabaho ng katulad ng halagang ibinigay ko sa iyo. Wala ba akong karapatang gawin ang nais ko sa sarili kong salapi? Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y mapagbigay?” Ang Diyos ay katulad ng may-ari ng lupa. Siya ay mabuti at mapagbigay. Ginagawa Niya ito dahil sa biyaya Niya para sa ating lahat. Ipinagkaloob Niya ang parehong kaligtasang sa lahat ng sumasampalataya kay Hesus. Ito ay walang bayad na kaloob at hindi rin kabayaran para sa mabubuting gawa natin dito sa mundo. (Music)

Ika-Labing Isang larawan. Ang Limang Babae sa Labas ng Pintuan

Ika-Labing Isang larawan. Ang Limang Babae sa Labas ng Pintuan

Mateo 25:1-13

Nagkwento si Hesus ng tungkol sa sampung dalaga. Naghihintay sila sa pagsisimula ng isang kasalan. Nang maghatinggabi ay biglang dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang dalaga ay nakahanda upang siya ay salubungin. Sinindihan nila ang kanilang mga dalang ilawan at sumama sila sa piging kasama ang lalaking ikakasal. Ngunit ang iba pang limang dalaga ay mga hangal, wala silang dalang langis para sa kanilang ilawan, kaya lumabas sila upang bumili. Nang sila ay bumalik nakita nila na nakasarado na ang pinto. Kaya sumigaw sila, “Ginoo, Ginoo. Pagbuksan nyo po kami.” Sumagot ang lalaking ikakasal, “Sinasabi ko sa inyo, hindi ko kayo kilala.” Si Hesus ngayon ay nasa langit na. Siya ang makalangit na lalaking ikakasal. Isang araw Si Hesus ay muling magbabalik sa mundo. Hindi natin alam kung kailan ito mangyayari. Dapat tayo ay laging nakahandang salubungin Siya sa anumang oras. Sapagkat kukunin ni Hesus ang lahat ng para sa kanya upang makasama Niya sa langit. Ngunit ang mga hindi nakahanda ay hindi makakapasok sa langit. (Music)

Ika-Labing Dalawang Larawan. Ang Panginoon at ang kanyang mga Tagapaglingkod

Ika-Labing Dalawang Larawan. Ang Panginoon at ang kanyang mga Tagapaglingkod

Mateo 25:14:30

Paano tayo magiging handa sa pagdating ni Hesus? Makikita natin sa larawan ang pagbabalik ng isang natatanging lalaki mula sa kanyang mahabang paglalakbay. Bago siya umalis ay ipinagkatiwala niya sa kanyang mga lingkod ang ilan sa kanyang mga pag-aari. Ang isang lingkod ay binigyan niya ng limang pirasong salapi. Ipinangalakal kaagad ng lingkod ang kanyang natanggap at tumubo agad ito ng lima para sa kanyang Panginoon. Ang sumunod na lingkod ay binigyan ng dalawa, at tumubo din ito ng dalawa para sa kanyang Panginoon. Nang magbalik ang kanilang Panginoon at nakita niya kung papano nila napamahalaan ang kanyang salapi. Sinabi niya sa kanyang mga lingkod. “Magaling, aking mabuti at tapat na mga lingkod. Pinatunayan ninyo na mapapagkatiwalaan kayo sa maliit na bagay. Pamamahalain ko kayo sa mas malaking halaga. Halikayo at magdiwang kasama ko. Ngunit ang pangatlong lingkod na tumanggap ng isang salapi, itinago lamang niya ito at inilagay sa kanyang pangangalaga. Wala siyang ginawa upang tumubo ito. Nagalit ang kanyang Panginoon at nagsabi, “Masama at tamad na lingkod. Alam mo na gusto ko ang pinamahusay mula sa inyo. Bakit hindi mo na lamang inilagay sa bangko ang aking salapi! Kahit papano ay tumubo sana ito. Kinuha niya ang salapi at ibinigay niya sa lingkod na binigyan niya ng limang salapi na tumubo din ng lima. At Sinabi niya, “Itapon ninyo sa labas doon sa kadiliman ang walang silbing lingkod na ito. Kasama ng mga taong tumatangis at nagngangalit ang mga ngipin dahil sa sakit.” Si Hesus ang Panginoon ng mga mananampalataya. Si Hesus ay napunta sa langit at muling magbabalik. Binigyan niya ang kanyang mga tagasunod ng mga kaloob at kakayahan upang magamit sa paglilingkod sa Kanya. Mabuting gamitin natin ang lahat ng mayroon tayo upang mabigyan natin siya ng kaluguran. Nangako Siya na pagpapalain Niya ang lahat ng naglilingkod sa Kanya ng may katapatan. (Music)

Panimula sa susunod na kuwento

Panimula sa susunod na kuwento

Nagturo si Hesus sa mga tao ng tungkol sa Diyos. At ipinakita rin Niya na siya ay may dakilang kapangyarihan mula sa Diyos. At tinitiyak din Niya sa kanila na ang Diyos ay mahabagin. Inisip ng mga Hudyo na ang kanilang mga sakit ay bunga ng sumpa ng Diyos dahil sa kanilang mga nagawang kasalanan. Tiniyak ni Hesus sa mga Israelita na makakatanggap sila ng pabor mula sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagpapagaling at mga himala. Nais din magbigay ng mga palatandaan sa pagsisimula ng pinakahihintay na paghahari ng Diyos. Tingnan ang larawan at ilipat sa susunod na pahina kapag narinig ninyo ang tunog na ganito. (Music)

Ika-Labingtatlong Larawan: Binautismuhan si Hesus

Ika-Labingtatlong Larawan: Binautismuhan si Hesus

Marcos 1:4-13

Sa larawang ito makikita natin si Hesus bago pa man Siya magsimulang magturo sa mga tao. Ang lalaking nasa tabi niya ay si Juan Bautista. Alam ni Juan na si Hesus ang isinugo ng Diyos dito sa mundo. Binalaan ni Juan ang mga Hudyo na talikuran ang kanilang masasamang gawa at sambahin ang Nag-iisa at Tunay na Diyos. Ang mga naniwala sa mga mensahe ni Juan mula sa Diyos ay binautismuhan sa tubig. Ang bautismo ay isang palatandaan na nais nilang sila ay patawarin ng Diyos sa kanilang mga kasalanan. Sinabi ni Juan, “Pagkatapos ko ay may darating na mas makapangyarihan kaysa sa akin. Binautismuhan ko kayo sa tubig, babautismuhan naman Niya kayo sa Banal na Espiritu.” Nagtungo si Hesus kay Juan upang magpabautismo, kahit hindi naman Siya nagkasala. Nang umahon si Hesus mula sa tubig isang kamangha-manghang pangyayari ang naganap. Bumukas ang kalangitan at bumaba sa Kanya ang Banal na Espiritu na tulad ng isang kalapati. Nagsalita ang Diyos mula sa langit, at sinabi, “Ikaw ang pinakamamahal Kong Anak, lubos kitang kinalulugdan.” Pakatapos Niyang bautismuhan, pinahintulutan ng Diyos si Satanas na tuksuhin si Hesus. Ginamit pa ni Satanas sa maling paraan ang Salita ng Diyos upang subukin si Hesus. Subalit napagtagumpayan ni Hesus si Satanas sa pamamagitan ng pagtugon mula sa nasusulat na mga Salita ng Diyos sa kapangyarihan at gabay ng Banal na Espiritu. (Music)

Ika-Labing Apat na Larawan. Ang Pagtawag ni Hesus sa kanyang mga Alagad

Ika-Labing Apat na Larawan. Ang Pagtawag ni Hesus sa kanyang mga Alagad

Marcos 1:12-20; Mateo 28:19-20

Pagkatapos ni Hesus na mapagtagumpayan si Satanas, Siya ay nagpatuloy upang gawin ang mga nais ipagawa sa Kanya ng Diyos. Sinugo ng Diyos si Hesus dito sa lupa upang ipangaral ang Magandang Balita ng Diyos, upang turuan ang mga tao, pagalingin ang may mga sakit, at puksain ang mga gawa ni Satanas. Ang ibig sabihin ng salitang Kristo ay “Ang Pinili ng Diyos”. Nakita ng maraming tao na si Hesus ay may kapangyarihan mula sa Diyos. Isang araw habang naglalakad si Hesus sa tabing dagat ng Galilea, nakita Niya ang apat na mangingisda. Sinabi Niya sa kanila, “Halikayo at sumunod kayo sa Akin, at gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao.” Kaagad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod kay Hesus. Pumili pa si Hesus ng walong lalaki. Ang labing dalawang pinili ni Hesus ay naging Kanyang mga alagad, upang makasama at matuto sa Kanya. Nasaksihan nila ang mga himalang ginawa ni Hesus, kaya’t alam nila na Siya ay nagmula sa Diyos. Kinalaunan ang mga alagad ay naging mga apostol ni Hesus, na ang ibig sabihin ay, “Ang Kanyang mga isinugo”. Nangaral sila ng Magandang Balita tungkol kay Hesus at nagpagaling din ng mga may sakit sa pangalan ng Panginoong Hesus. Hindi naglaon ay binigyan sila ni Hesus ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Mayroon silang kapangyarihan sa masasamang espiritu, kaya napapalayas nila ang mga ito at nakakagawa din sila ng iba’t-ibang uri ng himala. Nang natapos na ni Hesus ang kanyang misyon dito sa lupa, bago pa Siya bumalik sa langit ay binigyan Niya ang kanyang mga apostol ng kautusan, “Humayo kayo at gawin ninyong mga alagad ko ang lahat ng bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng mga iniutos Ko sa inyo. (Music)

Ika-Labing Limang Larawan. Ang lalaking may Sakit sa Balat

Ika-Labing Limang Larawan. Ang lalaking may Sakit sa Balat

Marcos 1:40-45

Isang araw may isang lalaking may nakakakilabot na sakit sa balat ang lumapit kay Hesus. Lumuhod siya kay Hesus at nagmakaawa, “Kung iyong nanaisin, magagawa mo akong linisin.” Ang mga taong may ganitong sakit ay sapilitang pinatitira sa labas ng lungsod. Ang ibang mga tao ay natatakot na lumapit sa kanila. Ngunit si Hesus ay puno ng awa sa taong ito. Hinawakan siya ni Hesus at sinabi, “Nais ko, maging malinis ka.” Kaagad na gumaling ang lalaki mula sa kanyang sa sakit na ketong. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Huwag mong sasabihin kaninuman ang tungkol dito. Sa halip ay pumunta ka sa pari at hayaang mo silang suriin ka. At maghandog ka ng alay ayon sa kautusan ni Moises para sa mga gumaling sa sakit na ito. Ito ang patunay sa mga tao na ikaw ay malinis na.” Dahil sa labis na kagalakan, pagkaalis ng lalaki ay kanyang ipinamalita sa lahat ng tao ang nangyari sa kanya. Si Hesus ay hindi sumunod dahil sa kagustuhan ng tao, ginawa Niya ito dahil ito ang nais ng Diyos na gawin Niya. Itataas Niya ang mga taong itinakwil. Inalis Niya mula sa kahihiyan ang taong ito at ibinalik ang kanyang dangal. Tinulungan din Niya itong makabalik sa lungsod kung saan siya pinalayas. Maari ka din na maialis ni Hesus mula sa lahat ng iyong kahihiyan at maibalik ang iyong dangal kung hihilingin mo ito sa Kanya. (Music)

Ika-Labing Anim na larawan. Ang taong idinaan sa Bubungan

Ika-Labing Anim na larawan. Ang taong idinaan sa Bubungan

Marcos 2:1-12

Isang araw si Hesus ay nasa loob ng isang bahay, nagtuturo sa mga tao ng tungkol sa Diyos. Nang oras ding iyon, may apat na lalaking nagnanais na magdala ng isang lumpo kay Hesus. Ngunit dahil sa dami ng tao hindi sila makapasok sa loob ng bahay. Kaya’t gumawa sila ng butas sa bubong at mula duon ay ibinaba ang isang lumpo. Nakita ni Hesus ang kanilang pagtitiwala sa Kanya, kaya sinabi Niya sa lumpo, “Anak pinatawad kana sa iyong mga kasalanan.” Nagalit kay Hesus ang mga pinuno ng simbahan ng marinig nila ito. At sinabi nila. “Hindi ba’t walang ibang makakapagpatawad ng kasalanan kundi ang Diyos lamang?” Hindi sila naniniwala na si Hesus ay nagmula sa Diyos. Kaya sinabi ni Hesus sa lumpo, “Bumangon ka at dalhin mo ang iyong higaan at umuwi ka na!” Agad na gumaling ang lalaki! Sa ganitong paraan, ipinakita ni Hesus sa mga tao na siya ay mula sa Diyos. Mayroon Siyang kapangyarihan ng Diyos na magpagaling ng lahat ng uri ng karamdaman at mayroon din Siyang kapangyarihang magpatawad sa mga kasalanan ng tao. (Music)

Ika-Labing Pitong Larawan. Pinagaling ni Hesus ang Kamay ng Isang Lalaki

Ika-Labing Pitong Larawan. Pinagaling ni Hesus ang Kamay ng Isang Lalaki

Marcos 3:1-5

Si Hesus ay nasa bahay-dalanginan ng mga Hudyo kung saan naroon din ang mga pinuno ng simbahan. Naroon din ang isang lalaking paralisado ang kamay. Ito ay ang ika pitong araw ng linggo kung kailan ang mga Hudyo ay sumasamba sa Diyos. At sa batas ng mga Hudyo walang sinuman ang maaaring gumawa sa araw na iyon. Binabantayan ng mga Hudyo si Hesus kung papagalingin Niya ang lalaki. Si Hesus ay may malasakit sa mga tao kaya patuloy niya parin itong pagmamalasakitan. Ngunit ang mga pinuno ng simbahan ay walang malasakit. Nais lamang nilang makita na si Hesus ay lumabag sa batas ng mga Hudyo upang magkaroon sila ng pagkakataon na Siya ay ipapatay. Tinanong ni Hesus ang mga pinuno, “Alin ba ang ipinahihintulot sa araw na ito (Sabbath); ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama, ang magligtas ng buhay o ang pumatay?’’ Hindi makasagot ang mga Hudyo dahil sa katigasan ng kanilang mga puso. Kaya sinabi ni Hesus sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat nga ng lalaki ang kanyang kamay at nakita ng lahat na gumaling at muling nanumbalik ang lakas ng kanyang kamay. Nararapat lamang na sambahin natin ang Diyos, subalit kailangan din nating pagmalasakitan ang ibang tao. Kung hindi natin ito gagawin, ang ating pagsamba at paglilingkod ay mawawalan ng saysay at kabuluhan. (Music)

Ika-Labing Walong Larawan. Pinatigil ni Hesus Ang Bagyo

Ika-Labing Walong Larawan. Pinatigil ni Hesus Ang Bagyo

Marcos 4:35-41

Sa larawang ito makikita natin si Hesus at ang kanyang mga alagad na nasa bangka patawid sa malaking lawa. Habang naglalayag ay inabot sila ng malakas na bagyo. Ang tubig ay pumasok sa loob ng bangka at nagsimulang lumubog. Si Hesus ay natutulog noon sa hulihan ng bangka, kaya ginising Siya ng mga alagad at sinabi, “Guro balewala ba sa inyo kung kami ay malunod?” Bumangon si Hesus at sinabi Niya sa alon at hangin. “Tumigil ka at manahimik!” Agad ngang tumigil ang hangin at nanahimik ang lawa. Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Bakit kayo natatakot, hanggang ngayon ba ay wala parin kayong pananampalataya?” Ang mga alagad ay labis na namangha at sinabi, “Sino ba ang taong ito? Kahit ang hangin at ang alon ay sumusunod sa Kanya.” Alam natin na si Hesus ay ang Diyos at mayroon Siyang kapangyarihan sa lahat ng tao, mga espiritu at lahat ng iba pang Kanyang nilikha. Kaya, mapagkakatiwalaan natin si Hesus na tayo ay Kanyang iingatan at bibigyan ng kapayapaan sa oras ng kaguluhan. (Music)

Ika-Labing Siyam na Larawan. Ang Babae Sa napakaraming Tao

Ika-Labing Siyam na Larawan. Ang Babae Sa napakaraming Tao

Marcos 5:25-34

Nakikita nyo ba sa larawan ang babae sa kumpulan ng mga tao? Siya ay labing dalawang taon nang dinudugo. Marami na siyang pinuntahang mga manggagamot subalit wala silang nagawa, naging dahilan pa ito ng kanyang matinding paghihirap. Naubos na ang kanyang mga ari-arian sa pagpapagamot. Ngunit sa halip na gumaling ay lalo pang lumala ang kanyang karamdaman. Nabalitaan niyang si Hesus ay kayang magpagaling ng mga sakit. Sinabi niya sa kanyang sarili. “Mahawakan ko lamang ang Kanyang damit, ay gagaling na ako.” Kaya nakipagsiksikan siya sa karamihan ng tao hanggang makarating siya sa may likuran ni Hesus at hinawakan ang damit nito. At agad ngang tumigil ang kanyang pagdurugo, at naramdaman niya sa kanyang katawan na siya ay gumaling. Naramdaman naman ni Hesus na may kapangyarihang lumabas sa Kanya, kaya tumigil siya at sinabi, “Sino ang humawak sa aking damit?” Maraming tao ang nakapaligid noon kay Hesus. Dahil alam ng babae kung ano ang nangyari sa kanya. Kaya takot na lumapit siya kay Hesus, nagpatirapa sa harap Niya at ipinagtapat ang buong pangyayari. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Anak, pinagaling kana ng iyong pananampalataya. Humayo kang payapa, malaya kana sa iyong pagdurusa.” Itinuturo sa atin ng Salita ng Diyos na si Hesus ay nakakapagpagaling parin sa mga taong nagtitiwala at umaasa sa Kanya. Maraming tao sa mundong ito, at kilala ni Hesus ang bawat isa at Siya ay nagmamalasakit sa ating lahat. Siya rin ay nagmamalasakit sayo at nais Niya ring lumapit ka sa Kanya at magtiwala.(Music)

Ika-Dalawampung Larawan. Si Hesus at Ang Batang Namatay

Ika-Dalawampung Larawan. Si Hesus at Ang Batang Namatay

Marcos 5:22-24, 35-43

Si Jairo ay mahalagang tao sa simbahan ng mga Hudyo. Ang kanyang anak na babae ay may matinding karamdaman. Tinawag niya si Hesus na puntahan at pagalingin ang kanyang anak, ngunit bago pa dumating si Hesus sa kanilang tahanan ay namatay na ang bata. Sinabi ni Hesus kay Jairo, “Huwag kang matakot; manalig ka lang.” Nang dumating sila sa bahay ni Jairo nadatnan nila ang maraming tao na nag-iiyakan at nananaghoy kaya pinaalis sila ni Hesus. Isinama ni Hesus ang tatlo sa Kanyang mga alagad kasama si Jairo at kanyang asawa sa silid kung saan naroon nakaratay ang namatay na bata. Hinawakan ni Hesus ang kamay ng bata at nagsabi, “Batang babae, sinasabi ko sayo, bumangon ka!” Kaagad namang bumangon ang batang babae at lumakad-lakad. Sinabi sa kanila ni Hesus na bigyan ng makakain ang bata. Tunay nga na si Hesus ay may kapangyarihan kahit sa kamatayan. Ang lahat ng nananalig at sumusunod sa Kanya ay hindi dapat matakot sa kamatayan. Si Hesus ay mas makapangyarihan kaysa kay Satanas, maging sa kasalanan at sa kamatayan. (Music)

Ika-Dalawaput Isang Larawan. Si Hesus at ang Dayuhang Babae

Ika-Dalawaput Isang Larawan. Si Hesus at ang Dayuhang Babae

Marcos 7:24-30; Mateo 15:21-28

Isang araw isang dayuhang babae ang lumapit kay Hesus. Ang kanyang anak na babae ay inaalihan ng masamang espiritu. Patuloy siya sa pagmamakaawa kay Hesus na palayasin ang masamang espiritu. Ngunit sinabi ni Hesus sa kanya. Siya ay naparito upang tulungan muna ang mga Hudyo. Kung uunahin niyang tulungan ang dayuhang babae bago tulungan ang mga Hudyo, ito ay tulad ng pagpapakain sa mga aso bago pakainin ang kanyang mga anak. Sinabi pa ni Hesus, “Hayaan mo munang makakain ang mga bata hanggang sa gusto nila, sapagkat hindi tamang kunin ang tinapay ng mga bata at itapon sa kanilang mga aso.” Sumagot ang babae, “Opo Panginoon, ngunit kinakain din ng mga asong nasa ilalim ng mesa ang mga tira ng mga anak.” Kaya sinabi ni Hesus, “Napakalaki ng iyong pananampalataya, gagawin ko ang hinihiling mo.” Umuwi ang babae at natagpuan niya ang kanyang anak na iniwan na ng masamang espiritu. Mahal at tinutulungan ni Hesus ang lahat ng tao mula sa lahat ng mga tribo at sa lahat ng bansa. Nais ni Hesus na magtiwala tayo sa Kanya katulad ng dayuhang babae, upang tayo ay mapalaya sa matinding gapos at kapangyarihan ni Satanas. (Music)

Ika-Dalawaput Dalawang Larawan. Si Hesus at Ang Pipi’t Binging Lalaki

Ika-Dalawaput Dalawang Larawan. Si Hesus at Ang Pipi’t Binging Lalaki

Marcos 7:31-37

May mga tao na nagdala ng isang lalaki kay Hesus. Siya ay ipinanganak na bingi at hindi nakakapagsalita ng maayos. Nagmakaawa sila kay Hesus na ipatong ang kanyang kamay sa lalaki. Inilayo ni Hesus ang lalaki sa karamihan ng tao at inilagay Niya ang kanyang mga daliri sa tainga nito. Pagkatapos, dumura si Hesus at ipinahid ito sa dila ng lalaki. Tumingala si Hesus sa langit at huminga ng malalim at sinabi, “Bumukas Ka!” At kaagad nga na nakarinig at nakapagsalita ng maayos ang lalaki. Namangha ang lahat ng tao at nagsabi, “Ang lahat ng Kanyang ginawa ay napakabuti, pinagaling pa niya ang mga bingi at pipi!” Nilikha ni Hesus ang lahat ng parte ng ating katawan. Mayroon Siyang kapangyarihan laban sa lahat ng ating karamdaman. Walang hindi Siyang kayang gawin. Maaari nating hilingin sa Kanya na pagalingin tayo at katulad ng lalaking bingi, ipamalita din natin sa iba ang tungkol sa Diyos. (Music)

Ika-Dawampu’t Talong Larawan. Tinulungan ni Hesus ang bulag na Makakita

Ika-Dawampu’t Talong Larawan. Tinulungan ni Hesus ang bulag na Makakita

Isaias 53:4; Marcos 8:22-26; Santiago 5:13-16

Isang araw dinala ng mga tao kay Hesus ang isang bulag na lalaki. At Hiniling nila kay Hesus na pagalingin ang lalaki. Hinawakan ni Hesus ang kamay ng bulag at inakay palabas ng bayan. Dinuraan Niya ang mga mata ng lalaki at ipinatong ang kanyang mga kamay at nagtanong, “Mayroon kabang nakikita?” Sumagot ang lalaki at sinabi, “Nakakakita po ako ng mga tao parang mga punong kahoy na naglalakad.” Muling ipinatong ni Hesus ang kanyang mga kamay sa mga mata ng lalaki. Pagkatapos ay nanumbalik ang kanyang paningin nakakita na siya ng malinaw. Ganun parin si Hesus ngayon. Kung ano ang nagawa Niya noon ay magagawa padin Niya ngayon. Sinasabi ng Salita ng Diyos, “Inalis Niya ang ating mga kahinaan, pinagaling ang ating mga karamdaman.” Mayroon ba sa inyo ang nakakaranas ng kahirapan? Dapat siyang manalangin. Mayroon ba sa inyo ang may sakit? Dapat niyang ipatawag ang mga matatanda ng simbahan, upang ipanalangin siya at pahiran siya ng langis sa pangalan ng Panginoong Hesus. Ang panalanging may kasamang pananampalataya ay makakapagligtas sa sinumang may sakit at pagagalingin siya ng Panginoon. Kung siya ay nakagawa ng kasalanan siya ay patatawarin. Kaya aminin ninyo ang inyong mga kasalanan sa isa’t isa at ipanalangin ang bawat isa, upang kayo ay gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid. (Music)

Ika Dalawamput-Apat na Larawan. Pinagaling ni Hesus ang Batang inaalihan ng Masamang Espiritu

Ika Dalawamput-Apat na Larawan. Pinagaling ni Hesus ang Batang inaalihan ng Masamang Espiritu

Marcos 9:14-29; 2 Timoteo 1:10

Isang araw dinala ng isang lalaki ang kanyang anak sa mga alagad ni Hesus. Hiniling niya sa kanila na palayasin ang isang masamang espiritu na nasa kanyang anak. Ngunit hindi nila magawa, kaya dinala nila ang bata kay Hesus. Nang makita ng masamang espiritu si Hesus, biglang nitong pinangisay ang bata, natumba sa lupa at nagpagulong-gulong na bumubula ang bibig. Ang ama ng bata ay nawawalan na ng pag-asa na matutulungan sila ni Hesus. At sinabi niya kay Hesus, “Maawa kayo sa amin; kung may magagawa kayo, tulungan nyo po kami.” “Kung may magagawa ako?” Tanong ni Hesus. “Lahat ng bagay ay posible para sa kanya na naniniwala.” Sumagot ang ama ng bata, “Naniniwala po ako! Tulungan po ninyo akong madagdagdagan pa ang aking pananampalataya.” Habang dumadating ang mga tao para makiusisa, sinabi ni Hesus sa masamang espiritu, “Ikaw espiritu na pumipigil sa batang ito na makapagsalita at makarinig, inuutusan kita lumabas ka sa katawan ng batang ito at huwag ng babalik.” Nagsisisigaw ang masamang espiritu at saka lumabas sa katawan ng bata. Ang bata ay nakahiga at hindi na gumagalaw, “Patay na siya” sabi ng mga tao. Ngunit, hinawakan ni Hesus ang kamay ng bata at tinulungan niya itong makatayo at ang bata ay tumayo. Hindi naglaon tinanong ng mga alagad si Hesus ng palihim, “Bakit hindi namin napalayas ang masamang espiritung iyon?” Sumagot si Hesus, “Mapapalayas lamang ang ganitong uri ng espiritu sa pamamagitan ng panalangin.”

Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon. Pinapatay ng mga pinunong Hudyo si Hesus. Ngunit sa panahon ding iyon, nangyari ang pinakadakilang himala sa lahat ng nagawa ni Hesus. Muli Siyang nabuhay mula sa kamatayan. Natalo Niya si Satanas at ang kamatayan magpakailaman. Si Hesus ay mas dakila kaysa sa mga espiritu at mga diyos sa mundong ito. Mayroon Siyang kapangyarihan laban sa sakit at kamatayan. At ililigtas Niya tayo sa espirituwal na pagkabulag at sa kapangyarihan ni Satanas. Si Hesus ay makapangyarihan sa lahat ng bagay, sapagkat Siya ang nag-iisa at tunay na Diyos. (Music)

Información relacionada

Descargas gratis - Aquí puede encontrar los guiones principales de GRN en varios idiomas y también imágenes y otros materiales relacionados. Todos están disponibles para descargar.

Audio visual "Mire, Escuche & Viva" - Cada uno de este juego de ocho programas con 24 imágenes es excelente para el evangelismo sistemático y la enseñanza cristiana. La serie incluye estudios de los personajes del Antiguo Testamento.

Cómo usar los recursos audio visuales de GRN - 1: Compartir el Evangelio facilmente - Este articulo ofrece una introduccion a algunas de las diferentes maneras en que los recursos visuales de GRN pueden ser usados en el ministerio

Cómo usar los recursos Audio Visuales de GRN - 2 Profundizar - Este articulo explica mas explicaciones de como la gente aprende de historias y por que las historias no necesitan mucho comentario adicional.

Librería de audio de GRN - Material evangelistico y de enseñanza adecuado a las necesidades y a la cultura en variedad de stilos y formatos

Choosing the audio or video format to download - What audio and video file formats are available from GRN, and which one is best to use?

Copyright and Licensing - GRN shares it's audio, video and written scripts under Creative Commons

Creating DVDs using the GRN Slide show Videos - How to burn DVDs for specific people groups you are trying to reach