Pumili ng Wika

mic

unfoldingWord 11 - Ang Paskua

unfoldingWord 11 - Ang Paskua

Balangkas: Exodus 11:1-12:32

Bilang ng Talata: 1211

Wika: Tagalog

Tagapakinig: General

Layunin: Evangelism; Teaching

Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture

Katayuan: Approved

Ang mga script ay panimulang gabay para sa pagsasalin at pagre-record sa ibat-ibang wika.Ang mga ito ay ay dapat na angkupin kung kinakailangan para maunawaan at makabuluhan sa bawat kultura at wika. Ilang termino at konsepto na ginamit ay maaaring gamitin para maipaliwanag o maaari di na palitan o tanggalin ng ganap.

Salita ng Talata

Binalaan ng Diyos ang Paraon na kung hindi pa niya papalayain ang mga Israelita, papatayin niya ang lahat ng panganay na lalaki sa Egypt maging tao man o hayop. Nang marinig ito ng Paraon hindi pa rin siya naniwala at tumalima sa Diyos.

Gumawa ng paraan ang Diyos para iligtas ang mga panganay ng sinumang naniniwala sa kanya. Bawat pamilya ay dapat pumili ng tupang walang kapintasan, kakatayin nila ito.

Sinabihan ng Diyos ang mga Israelita na dapat silang maglagay ng dugo ng tupa sa gilid at itaas ng pintuan ng mga bahay nila at ihawin ang tupa at kainin agad kasama ng tinapay na walang pampaalsa. Sinabihan din sila ng Diyos na maging handa sa pag-alis nila sa Egypt pagkatapos kumain.

Sinunod nga ng mga Israelita ang lahat ng iniutos ng Diyos sa kanila. Sa kalagitnaan ng gabi, nilibot ng Diyos ang buong Egypt at pinatay lahat ng panganay na lalaki.

Lahat naman ng bahay ng mga Israelita ay may dugo sa palibot ng kanilang mga pintuan kaya nilampasan ng Diyos ang mga bahay nila. Lahat ng nasa loob ay ligtas dahil sa dugo ng tupa.

Pero hindi naniwala ang ang mga Egipcio sa Diyos at hindi tumalima sa mga ipinag-utos Niya. Hindi nilampasan ng Diyos ang mga bahay nila at pinatay ng Diyos ang lahat ng panganay na lalaki ng mga Egipcio.

Lahat ng panganay na lalaki ng mga Egipcio ay namatay mula sa mga panganay na anak ng mga nakabilanggo hanggang sa anak na panganay ng Paraon. Maraming tao ang nag-iyakan at nagluksa dahil sa labis kalungkutan.

Nang gabi ding iyon, ipinatawag ng Paraon sina Moses at Aaron. Sinabi niya, “Isama mo na ang mga Israelita at umalis na kayo sa Egypt sa lalong madaling panahon!” Minadali rin ng mga Egipcio ang mga Israelita na umalis.

Katulad na kaalaman

Salita ng Buhay - Ang GRN ay mayroong mensahe sa audio sa libo-libong wika na naglalaman ng mensahe base sa Bibliya tungkul sa kaligtasan at Kristyanong pamumuhay.

Choosing the audio or video format to download - What audio and video file formats are available from GRN, and which one is best to use?

Copyright and Licensing - GRN shares its audio, video and written scripts under Creative Commons