Ang paglikha at kaligtasan ng tao
Outline: Introduces local belief of origin of man by a question. Biblical account of creation, fall and redemption follows. S.E. introduced as creation is mentioned. Simple invitation concludes. Adaptable to local beliefs. Easily made into monolog by deleting second person's comments. Virtually the same content as the monologue # 19 "Creation and Redemption of Man."
Script Number: 018
Language: Tagalog
Theme: Sin and Satan (Cleanse, purify, Shame); Christ (Redemption, Saviour of Sinful Men, Sacrifice / Atonement); Living as a Christian (Peace with God); Eternal life (Salvation); Bible timeline (Creation)
Audience: Animist; General
Style: Dialog
Genre: Messages and Fiction
Purpose: Evangelism
Bible Quotation: Paraphrase
Status: Approved
Scripts are basic guidelines for translation and recording into other languages. They should be adapted as necessary to make them understandable and relevant for each different culture and language. Some terms and concepts used may need more explanation or even be replaced or omitted completely.
Script Text
Victor: Tumingin ka sa paligid mo. Nakikita mo ba ang mga puno? Ang mga bundok? Gawa lahat ng Diyos yan! Nakikita mo ba ang mga kabayo, baka at lahat ng hayop? Ang Diyos din ang gumawa nyan! Ang mga baboy, manok, at mga aso ay lahat ay ginawa ng Diyos.
Rose: Tingnan mo ang mga magagandang bulaklak at mga ibon na nag aawitan, lahat ito ay likha ng Diyos. Sya ay totoong Diyos na gumawa ng langit at lupa, at lahat ng bagay dito
Victor: Ang unang tao na nilikha ng Diyos ay sina Adan at Eba. Sila ay mabuti at magaganda. Mahal nila ang Diyos, at sila ay mahal ng Diyos...sila ay maligaya. Sabi ng Diyos sa kanila..."kapag kayo ay sumunod kay Satanas, kayo ay mamamatay". Si satanas ay pinuno ng mga masasamang espirito.
Isang araw, si satanas ay nagsinungaling kay Adan at Eba. Si Adan at Eba ay tumalikod sa Diyos, at sumunod kay satanas. Sinuway nila ang salita ng Diyos. Ang sakit at pagdurusa ay sumapit sa kanila. Nagsisi sila na sila ay sumunod kay satanas.
Rose: Pagkaraan ng maraming taon, isinugo ng Diyos ang kanyang kaisa isang anak dito sa mundo. Ang kanyang pangalan ay Hesu Kristo noong sya ay nagkatawang tao. Ibinigay niya ang kanyang buhay para sa kaligtasan ng mga tao.
Victor: Sa pamamagitan ng kanyang pagkamatay sa krus, pinasan nya ang lahat ng ating mga kasalanan. Dahil sya ay Dyos, sya ay nabuhay na mag uli at bumalik sya sa langit kasama ng kanyang Dyos Ama. So, sya ay buhay at nasa langit na uli ngayon..ngunit ang kanyang banal na Espirito ay nasa sa atin, kung tayo ay na kay Cristo na...
Rose: Kaibigan, madaming tao ay hindi alam ang magandang balita. Hindi nila alam na binayaran at inako na ni Hesus ang ating mga kasalanan, at sila nagbibigay pa rin ng mga handog hanggang ngayon. Alam mo, ayaw na ng Diyos na ikaw ay gagawa pa ng iyong sariling handog..ang gusto lang nya ay maniwala ka sa kanya, at tumalikod ka sa mga dati mong ginagawang handog, at tanggapin mo si Jesus bilang isang handog. At gusto rin nya na ikaw ay tumalikod sa iyong mga masasamang gawi, at ikaw ay kanyang patatawarin, at ikaw ay magkakaroon ng kapayapaan... Kung minsan, mahirap iwanan an gating mga kinasanayan, o mahirap maintindihan kung bakit ganito na lamang ang pagmamahal ng Diyos sa atin. Pero alam mo, ang gusto lang nya ay lumapit ka, at magtiwala ka sa kanya, at sinisigurado ko sa iyo, mararamdaman mo ang kanyang pagpapatawad at ang kanyang pagmamahal... Show me how